Pangulo sa mga nagpoprotesta sa kasagsagan ng problema ng bansa sa COVID-19: Huwag ninyong subukan ang gobyerno

April 02, 2020 - 05:19 AM

May babala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga manggugulo habang ang abala ang bansa sa paglaban sa krisis na dulot ng COVID-19.

Apela ng pangulo sa publiko maging mapagpasensya at hintaying dumating sa kanilang ang tulong ng gobyerno at huwag gumamit ng dahas.

Tiniyak ng pangulo ng magiging patas ang pamahalaan sa pamamahagi ng tulong.

Kailangan lang aniyang maghintay dahil limitado rin ang suplay ng relief goods ng pamahalaan.

“Intindihin ninyo ‘yan. Kaya huwag kayong mag gawa ng kalokohan at mag-riot-riot diyan because I will order you detained at bibitawan ko kayo pagkatapos na wala na itong COVID,” ayon sa pangulo

Ayon sa pangulo kung may manggugulo pa, ay aatasan niya ang pulis at mga sundalo, kasama na ang mga opisyal ng barangay na arestuhin ang mga ito.

Kapag nasa kulungan na sila ay hindi sila pakakainin ng pamahalaan.

Sinabi ng pangulo na kung may manggugulo at lalaban at malalagay sa alanganin ang buhay ng mga otoridad ay dapat barilin na lamang ang mga lumalabag.

“My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead,” dagdag pa ng pangulo.

TAGS: 'speech, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, duterte, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, president duterte, public address, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, 'speech, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, duterte, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, president duterte, public address, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.