WATCH: Health workers, bibigyang seguridad ng PNP

Tiniyak ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease na bibigyang seguridad ang mga health worker na lumalaban sa COVID-19.

Ito ay kasunod ng napaulat na insidente ng pag-atake sa dalawang nurse sa Cebu at Sultan Kudarat kung saan sinabuyan ng chlorine at zonrox.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Gamboa sa mga pulis na siguraduhin ang kaligtasan ng health workers.

May ulat si Chona Yu:

Read more...