Tatlong tindahan sa Sta. Cruz, Maynila ni-raid; Mga smuggled PPE nakumpiska

By Angellic Jordan April 01, 2020 - 11:00 PM

Ni-raid ng Bureau of Customs Intelligence and Investigation (CIIS) Service at Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong tindahan ng medical supplies sa Sta. Cruz, Maynila araw ng Martes (March 31).

Nakumpiska sa operasyon ang ilang smuggled na personal protective equipment (PPE) tulad ng gloves, facemasks (surgical at N95) at goggles na nagkakahalaga ng P15 milyon.

Misdeclared ang mga kargamento bilang general merchandise nang ma-import sa bansa.

Sa ngayon, nagsasagawa ng imbentaryo ang BOC sa mga produkto.

Binigyan din ng ahensya ang mga may-ari ng tatlong tindahan ng 15 araw para magprisinta ng mga kinakailangang dokumento na magpapatunay na legal na na-import sa bansa ang mga produkto.

Kapag napatunayang smuggled ang mga produkto, maaaring masampahan ang mga may-ari ng tatlong tindahan ng kasong paglabag sa probisyon ng Customs Modernization Act (CMTA).

TAGS: Bureau of Customs, PCG, PPE, Bureau of Customs, PCG, PPE

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.