Oplan Baklas ng MMDA, umarangkada na

By Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon February 09, 2016 - 10:37 AM

Kuha ni Len Montaño
Kuha ni Len Montaño

Mga campaign posters na nasa footbridge, mga lamppost, puno at iba pa ang unang nasampulan sa “Oplan Baklas” ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Unang sinuyod ng MMDA ang mga kalye sa Maynila.

Ayon kay Francis Martinez, team leader ng MMDA Oplan Baklas sa Maynila, ngayong umaga sa nasabing lungsod, pinakamaraming nabaklas nila ay ang mga posters ni Senator Grace Poe na nasa bawal na lugar.

Sa Maynila ang kick off ng kampanya nina Poe at Senator Chiz Escudero kaya nagkalat na ngayon sa lungsod ang kanilang mga posters pati na ng kanilang senatoriables.

Kuha ni Len Montaño
Kuha ni Len Montaño

Ang mga inalis na posters ni Poe ay nakita ng MMDA personnel sa footbridge.

Ayon kay Martinez, kahit magpabalik-balika ng mga posters sa mga bawal na lugar, magpapabalik-balik din sila para tanggalin ang mga ito.

TAGS: campaign posters, mmda oplan baklas, campaign posters, mmda oplan baklas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.