Umabot na sa 11 ang bilang ng COVID-19 cases sa Pampanga.
Sa huling datos ng Pampanga Provincial Epidemiology and Surveillance Unit hanggang 3:00, Miyerkules ng hapon (April 1), 140 ang persons under investigation (PUIs).
Sa nasabing bilang, anim ang patay; 35 ang naka-confine sa ospital; 32 ang na-discharge na habang 67 ang may mild symptoms.
Nasa 14,446 naman ang persons under monitoring sa lalawigan.
Sa nasabing bilang, 7,453 ang nakakumpleto na ng 14-day mandatory quarantine at 6,993 ang nakasailalim pa rin sa daily monitoring.
Samantala, tatlo naman ang naitalang nasawi sa lungsod bunsod ng virus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.