Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 1, nasa 401 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 32 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 270 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ayon sa DFA, 118 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Umakyat naman sa 13 ang bilang ng nasawi dahil sa sakit.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Asia Pacific Region na may 206 na kaso.
Sumunod dito ang Europe na may 107 kaso, Middle East na may 52 na kaso habang ang Americas naman ay may 36 cases.
MOST READ
LATEST STORIES