Kaso ng COVID-19 sa Bicol region, nasa pito na
By Angellic Jordan April 01, 2020 - 04:09 PM
Umakyat na sa pito ang kaso ng COVID-19 sa Bicol region.
Sa datos ng Department of Health CHD Bicol hanggang 10:00, Miyerkules ng umaga (April 1), nasa tatlo ang naitalang kaso ng virus sa Camarines Sur habang apat naman sa Albay.
Samantala, nasa 19 naman ang admitted persons under investigation (PUIs) sa rehiyon.
60 naman ang PUIs na na-discharge na sa ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.