Multiple accounts, pwede na sa Instagram

INSTAGRAM LOGOInaprubahan na ng popular na photo-sharing service na Instagram ang pagkakaroon ng multiple accounts.

Sa latest version ng nasabing APP na version 7.15 para sa mga IOS at Android users, maari nang magpalit ng accounts ang mga IG users.

Sa abiso ng Instagram, matapos mag-update, kinakailangang magtungo sa profile settings para magdagdag ng additional account.

Mula doon, i-tap lamang ang username para pumili kung anong account ang gagamitin.

Dumaan muna sa ilang buwan na testing ang nasabing feature bago ito tuluyang ipatupad ng IG.

Sa pamamagitan ng nasabing development, ang mga IG users ay maari nang magkaroon ng higit sa isang account gamit ang iisang mobile device.

Read more...