Pamahalaang lokal ng Mandaluyong, nagkasa na rin ng mobile market

Nagkasa na rin ang lokal na pamahalaan ng Mandaluyong ng mobile market.

Ayon kay Mayor Menchie Abalos, layon nitong maiwasan ng mga residente sa lungsod na pumunta pa sa mga pamilihan o palengke sa kasagsagan ng enhanced community quarantine.

Sa pamamagitan ng nasabing proyekto, maiiwasan aniyang madagdagan pa ang kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City.

Sinabi ng alkalde na iikot ang mobile market sa mga barangay araw-araw batay sa itatakdang schedule.

Muling hinikayat ni Abalos ang mga taga-Mandaluyong na huwag nang lumabas ng bahay kung hindi naman kailangan.

Read more...