BREAKING: Bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease sa Pilipinas, pumalo na sa 2,311

Lumobo pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (April 1), pumalo na sa 2,311 ang tinamaan ang nakakahawang sakit sa bansa.

227 ang naitalang panibagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa magdamag.

Sinabi ng DOH na isang pasyente naman ang nakarekober sa virus dahilan para umabot ang total recoveries sa bansa sa 50.

Samantala, walong pasyente ang nasawi kung kayat umabot na ang death toll ng COVID-19 sa Pilipinas sa 96.

Read more...