Tatlo pang Pinoy sa Hong Kong, nagpositibo sa COVID-19

By Angellic Jordan April 01, 2020 - 03:41 PM

Tinamaan ng Coronavirus Disease (COVID-19) ang tatlo pang Filipino sa Hong Kong.

Ayon sa Philippine Consulate General sa Hong Kong, kinumpirma ng Hong Kong Health Department na simula March 27, tatlo pang Filipino ang nagpositibo sa COVID-19 sa nasabing bansa.

Sinabi ng konsulado na nasa 19 Filipino na sa Hong Kong ang ginagamit sa iba’t ibang ospital.

Sa nasabing bilang, 11 ang babae at walo naman ang lalaki.

Nagpapaabot naman ng tulong ang konsulado sa mga COVID-19 positive na Filipino.

Kasunod nito, umapela ang konsulado sa Filipino community sa Hong Kong na manatili sa bahay at huwag nang lumabas kung hindi kinakailangan.

Iwasan din anila ang matataong lugar at sundin ang regulasyon sa social distancing.

TAGS: COVID-19 cases in Hong Kong, COVID-19 positive, Inquirer News, Philippine Consulate General in Hong Kong, COVID-19 cases in Hong Kong, COVID-19 positive, Inquirer News, Philippine Consulate General in Hong Kong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.