Sunog, sumiklab sa isang pamilihan sa Cabanatuan City

By Angellic Jordan April 01, 2020 - 02:00 PM

Sumiklab ang sunog sa isang pampublikong pamilihan sa Cabanatuan City, Nueva Ecija Miyerkules ng madaling-araw.

Batay sa ulat, nagsimula ang sunog bandang 4:00 ng madaling-araw.

Apektado ng sunog ang ikalawang palapag ng pamilihan.

Tuluyang naapula ang sunog bandang 5:00 ng madaling-araw.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon kung ano ang sanhi ng sunog.

TAGS: Cabanatuan City, Inquirer News, nueva ecija, sunog, Cabanatuan City, Inquirer News, nueva ecija, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.