Mayor Isko humiling nang pang-unawa sa mga hindi pa nabibigyan ng rasyon sa Maynila

By Ricky Brozas April 01, 2020 - 12:35 PM

Nakiusap si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa taga-Maynila na hindi pa naabutan ng tulong o food packs ngayong panahon ng enhance community quarantine na unawain na muna ang sitwasyon ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Domagoso, naiintindihan niya ang mamamayan sa lungsod na nangangailangan ngayong panahon ng lockdown ngunit gustuhin man niya ay talagang kulang sa suplay ng goods.

Aniya, apektado rin ng lockdown ang mga nagsusuplay ng goods na dapat na irerepack para sa bawat pamilyang apektado ng quarantine .

Katunayan aniya ay umabot na sa 153,453 pamilya ang nabigyan ng food boxes sa lungsod na matagumpay itong naideliver sa bawat pamilya katuwang ang mga frontliners na mga tauhan ng Manila Police District (MPD) , Manila Social Welfare and Development (MSWD) , Department of Public Safety (DPS), Department of Engineering ang Public Works (DEPW) at mga barangay officials na katulong sa pamamahagi ng food boxes sa mga bara- barangays.

Ang suliranin lamang aniya ay kulang ang suplay sa takdang pangangailangan ng ating mamamayan sa lungsod sapagkat maraming tao sa planta at pabrika ang hindi nakakapasok at apektado ang produksyon ng pagkain o goods.

Giit ni Domagoso, ang dating ng supplies ang suliranin na hindi na aniya kontrolado.

Tulad aniya sa ibang dako ng mundo, sa ibang bansa ay may suliranin din.

Ang iba sa kanila aniya ay nagkakasakit o nagiging PUIs habang ang iba ay nagpositibo na kaya pakonti ng pakonti na aniya sila sa City Hall.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, manila, Mayor Isko Moreno, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, relief efforts, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, manila, Mayor Isko Moreno, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, relief efforts, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.