Kilos protesta ng ilang residente sa Brgy. Bagong Pag-asa, QC binuwag ng PNP

Nauwi sa dispersal ang ginawang kilos protesta ng mga residente sa Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City sa EDSA.

Nagtipon-tipon ang mga residente ng Sitio San Roque at naglahad ng hinaing sa lokal na pamahalaan dahil sa gutom na umano sila at walang makain.

Umaapela ang mga residente ng tulong mula sa lokal na pamahalaan.

Pero dahil umiiral ang enhanced community quarantine ang naturang pagtitipon ay paglabag sa pagbabawal sa mass gatherings.

Dahil dito binuwag ng mga tauhan ng PNP ang protesta.

Ilan sa kanila ay inaresto ng pulisya.

Read more...