LOOK: Mga madre nagbahay-bahay sa Tagaytay para mamahagi ng relief goods

Viral sa social media ang larawan ng mga madre na namamahagi ng relief goods sa Tagaytay City.

Ang mga madre kasi ay hindi lang basta nagbahay-bahay, umakyat pa sila sa bakuran ng mga bahay gamit ang hagdanan para lamang maiabot ang relief packs sa mga residente.

Ayon sa post ng CBCP News Facebook Page, ang mga madre ay mula sa Sisters of Charity of St. Charles Borromeo.

Noong March 31 (Martes) namigay sila ng food packs sa mahihirap na pamilya sa Brgy. Francisco, Tagaytay City.

Nakasaad din sa post na ang mga madre mula sa formation house ng nabanggit na congregation ay nag-ambag ambag mula sa kanilang food allowance para makabili ng pagkain na ipamimigay nila sa mahihirap na pamilyang apektado ng ehanced community quarantine.

Read more...