Pusa nagpositibo sa COVID-19 sa Hong Kong
Kinumpirma ng Agricultural and Fisheries department ng Hong Kong na isang alagang pusa ang nagpositibo sa COVID-19.
Pero ayon sa ahensya, wala pang malinaw na patunay na ang mga alagang hayop ay maaring maging source ng sakit.
Unang nagpositibo sa sakit ang owner ng naturang pusa.
Sa pahayag ng World Health Organization (WHO) wala pa ding ebidensya na ang aso, pusa o anumang alagang hayop ay makapanghahawa ng sakit.
Ang naturang pusa ang ikatlong hayop sa Hong Kong na nagpositibo sa sakit.
Ang unang dalawang kaso ay dalawang alagang aso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.