Mayor ng Bayambang, Pangasinan at kaniyang asawa positibo sa COVID-19
By Dona Dominguez-Cargullo April 01, 2020 - 09:25 AM
Nagpositibo sa COVID-19 si Bayambang, Pangasinan Mayor Cezar Quiambao.
Sa pahayag ng mayor, maging ang kaniyang asawa ay nagpositibo rin sa sakit.
Ang mag-asawa ay kapwa sumailalim sa quarantine habang hinihitay ang resulta ng test.
Sinabi ni Quiambao na kapwa din siya nakaka-recover na sa sakit.
Dahil nagpositibo ay palalawigin pa ng mag-asawa ang quarantine period nila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.