Tambalang Santiago at Marcos nasa Ilocos na para sa unang araw ng kampanya

Inquirer Photo / Niño Jesus Orbeta
Inquirer Photo / Niño Jesus Orbeta

Dumating na sa Laoag International Airport Senators Miriam Defensor-Santiago at Bongbong Marcos.

Pasado alas 7:00 ng umaga nang umalis sa Maptra hangar sa Pasay City sina Senators Miriam Defensor-Santiago at Bongbong Marcos para sa unang araw ng kanilang pangangampanya.

Sa Batac, Ilocos Norte gaganapin ang kick off ng kanilang pangangampanya.

Ito ang unang public appearance ni Santiago para sa 2016 presidential elections.

Kung ang ibang mga kandidato kasi ay kabi-kabila ang public appearances bago ang campaign period, si Santiago naman ay naging tahimik at naging usap-usapan pa nga na posibleng hindi ito magsasama sa kampanya nila ni Marcos dahil sa kondisyon ng kaniyang kalusugan.

Ito rin ang unang public appearance nina Santiago at Marcos na magkasama.

Inquirer Photo/Dona Pazzibugan

Sa Ilocos Norte Capitol naghihintay na ang mga supporters nina Santiago at Marcos na pawang nakasuot ng pink.

Bibigyan ng welcome ceremony ang dalawa sa Ilocos Norte Capitol pagdating nila doon ngayong umaga.

Isang buong linggong mangangampanya si Marcos sa Ilocos Norte, pero ang kampo Santiago ay ngayong araw lamang makakasama sa kampanya at agad ding babalik ng Maynila mamaya.

 

Read more...