837 nasawi sa Italy sa magdamag dahil sa COVID-19; Spain nakapagtala ng 748 na nasawi sa magdamag

Patuloy na nakapagtatala ng malaking bilang ng nasawi sa dalawang European counties na apektado ng COVID-19.

Sa magdamag, nakapagtala ng 837 na nasawi sa Italy dahil sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 12,428 ang COVID-19 death toll sa nasabing bansa.

May naitala namang mahigit 4,000 na bagong kaso sa Italy kaya umabot na sa 106,792 ang COVID-19 cases doon.

Ang Spain naman ay nakapagtala ng 748 na nasawi sa magdamag.

Umabot na sa mahigit 8,400 ang death toll ng Spain dahil sa COVID.

Habang mayroon naman itong mahigit 95,900 cases makaraang makapagtala ng mahigit 7,900 cases sa magdamag.

Ang iba pang bansa sa Europa na mayroong mataas na kaso ng COVID-19 ay ang mga sumusunod:

Germany – 71,808 cases 775 deaths
France – 52,128 cases 3,523 deaths
UK – 25,150 cases 1,789 deaths
Switzerland – 16,605 433 deaths

Read more...