Antas ng tubig ng Angat dam muling nabawasan
Muling bumaba ang water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang water level ng Angat dam ay nasa 196.25 meters alas-6 umaga ng Miyerkules (April 1) mas mababa sa antas nito kahapon na nasa 196.51 meters.
Bahagya namang nadagdagan ang water level ng Ipo dam na nasa 101.05 meters habang nanatili naman sa 76.99 meters ang antas ng tubig ng La Mesa dam.
Samantala, nabawasan naman ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.