Donation drive ng OVP nakalikom na ng P40M; gagamitin pambili ng PPEs para sa frontliners

Umabot na sa P40.3 million ang nalikom ng donation drive na ginagawa ng Office of the Vice President at ng Angat Buhay foundation.

Ayon kay Vice President Leni Robredo ang pera ay gagamitin para ipambili ng personal protective equipment (PPE) daily sets.

Gamit ang nasabing halaga sinabi ni Robredo na bibigyan ng PPE sets ang 90,753 na medical frontliners.

Ang OVP ay nakapaghatid na ng 33,075 na PPEs sa 107 ospital at komunidad sa NCR, Luzon at Samar Island.

Sa mga susunod na araw ay ihahatid ang tulong sa Visayas at Mindanao.

Pinasalamatan naman ni Robredo ang mga patuloy na tumutulong sa assistance drive.

Read more...