Mga kandidato, kani-kaniyang gimik na sa unang araw ng national campaign

By Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon, Ricky Brozas February 09, 2016 - 08:50 AM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Maagang nagsimula ng kampanya ang Bayan Muna Party list sa bahagi ng Sampaloc Maynila.

Alas 6:30 pa lamang ng umaga nasa Bustillos na sa Sampaloc Maynila ang mga nominado ng Bayan Muna Party list group na pawang nakasuot ng “Katipunero attire”.

Sina Teddy Casiño at Satur Ocampo ay kapwa dumating sa lugar na nakasuot ng pang-Katipunero habang si incumbent Rep. Carlos Zarate ay naka-Heneral Luna attire.

Samantala, sa mga istasyon ng Metro Rail Transit (MRT) nagsimula ng kaniyang unang araw ng kampanya si Rep. Neri Colmenares na tumatakbong senador.

From Neri Colmenares' twitter account
From Neri Colmenares’ twitter account

Isa-isang nilapitan ni Colmenares ang mga pasaherong nakapila sa North Avenue station ng MRT para ilahad ang kaniyang mga plataporma.

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Sa Plaza Miranda, bagaman mamayang hapon pa ang kick off ng kampanya nina Senator Grace Poe at Senator Chiz Escudero, naka-ayos na ang stage at mga upuan na gagamitin.

Puno na rin ng campaign posters ng dalawa at ng kanilang senatoriables ang lugar.

Sa Welfareville sa Mandaluyong City kung saan gaganapin naman ang kick off ng kampanya nina Vice President Jejomar Binay at Senator Gringo Honasan, alas 12:01 ng madaling araw pa lamang kanina ay nagpatupad na ng road closures.

Nakaset-up na rin ang stage sa bahagi ng Martinez Street, kaya ang mga motorista ay inabisuhan na sa pagsasara ng bahagi ng Nueve de Pebrero at Martinez Street hanggang mamayang hatinggabi.

Sa Capiz Gymnasium naman sa Roxas City, sinimulan na ring ayusin ang stage na nilagyan ng malalaking tela na kulay dilaw at puti na may nakasulat na “Daang Matuwid”.

Photo from Noy Morcoso / Inquirer.net
Photo from Noy Morcoso / Inquirer.net

Sina Senators Miriam Defenseor-Santiago at Bongbong Marcos ay nakaalis na ng Maynila sakay ng private plane patungo sa Laoag.

Sa Batac, Ilocos Norte ang kick off ng kampanya ng dalawa.

Samantala, si dating MMDA Chairman Francis Tolentino, ay may motorcade ngayong araw sa Cavite. Kabilang sa mga bayan na susuyurin ni Tolentino ang Silang, General Mariano Alvarez, Carmona, Tanza, Naic, Gen Trias, Maragondon, Mendez at Indang.

Ang tambalang Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Alan Cayetano ay nauna nang nagsimula ng kampanya kaninang madaling araw sa Binondo Maynila. Pero mamayang hapon ang mga taga Tondo naman ang susuyuin ng dalawa.

TAGS: campaign for national posts kicks off today, campaign for national posts kicks off today

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.