Muling pagsailalim ni Pangulong Duterte sa COVID-19 test, nasa pagpapasya ng doktor nito – Sen. Go

By Chona Yu March 31, 2020 - 09:13 PM

Nasa pagpapasya na ng doktor ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sasailalim muli sa COVID-19 test ang Punong Ehekutibo.

Ito ay matapos makasalamuha ni angulong Duterte si DILG Secretary Eduardo Año noong March 21 sa Villamor, Pasay City.

March 31 nang lumabas ang resulta ng COVID-19 test ni Año at nagpositibo ito sa sakit na COVID-19.

Ayon kay Senador Bong Go, sa ngayon, maayos naman ang kalagayan ng pangulo.

Ayon kay Go, patuloy silang mag-iingat ni Pangulong Duterte.

Kailangan kasi aniya ng bansa ng matatag na lider lalot may kinakaharap na krisis ang Pilipinas.

March 12 nang magpa-COVID19 test sina Pangulong Duterte at Senador Go.

Parehong negatibo naman ang resulta sa dalawa.

“Ingat lang tayo lahat. Patuloy po kaming mag-iingat at parati ko pinapaalala kay Pangulo [Duterte] na mag-ingat. Kailangan po natin ng matatag na leader lalo na sa panahon ng crisis,” ani Go

TAGS: COVID-19 test, Rodrigo Duterte, Sec. Eduardo Año, Sen. Bong Go, COVID-19 test, Rodrigo Duterte, Sec. Eduardo Año, Sen. Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.