Tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 si DILG Secretary Eduardo Año.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kalihim na nagsimula na siyang sumailalim sa 14-day self-quarantine noong March 26 matapos mapag-alamang nakasalamuha ang apat na nagpositibo sa virus.
Noong March 27, agad aniya siyang nagpasuri.
Sinabi ni Año na batay sa inilabas na resulta ng Research Institute for Tropical Medicine o RITM, araw ng Martes (March 31), positibo siya sa nakakahawang sakit.
Ginawa aniya niya ang anunsiyo para hikayatin ang lahat ng tao na kaniyang nakasalamuha na sumailalim na rin sa self-quarantine at obserbahan kung nakakaranas ng sintomas.
Tiniyak naman ni Año na maayos ang kaniyang kondisyon at walang nararamdamang sintomas.
Patuloy aniya siyang sasailalim sa quarantine at mag-‘work from home.’
Muli ring nagpaalala ang kalihim sa publiko na manatili sa bahay at sundin ang social distancing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.