Dating Sen. Bongbong Marcos COVID-19 positive, nakaka-recover na

By Jan Escosio March 31, 2020 - 06:36 PM

Matapos makumpirma na nagpositibo sa COVID-19, gumaganda na ang kalagayan ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang sinabi ni Atty. Victor Rodriguez, ang tagapagsalita ng dating senador, at aniya, noong Marso 28 nang malaman nila ang resulta ng test kay Marcos mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ibinahagi ni Rodriguez isang araw pagkadating ni Marcos mula sa Europe noong Marso 13 ay agad na itong nagtungo sa ospital dahil sa pananakit ng kanyang dibdib at para na rin malaman ang kanyang kondisyon dahil lumalaganap na ang nakakamatay na sakit.

Ngunit, kinailangang umuwi ni Marcos dahil marami nang pasyente sa naturang ospital at mas grabe ang kondisyon ng mga ito.

Makalipas ang isang linggo, nagbalik sa ospital si Marcos dahil sa hirap na paghinga kayat sumailalim na ito sa test at pinayuhan na mag-self quarantine hanggang ngayon.

TAGS: COVID-19 positive, Ferdinand Marcos Jr., Inquirer News, COVID-19 positive, Ferdinand Marcos Jr., Inquirer News

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.