Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magkasunod na lindol

By Angellic Jordan March 31, 2020 - 03:30 PM

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental Martes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 94 kilometers Southwest ng Sarangani bandang 3:27 ng hapon.

May lalim ang lindol na 15 kilometers.

Bago ito, unang yumanig ang magnitude 3.3 na lindol sa kaparehong lugar.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 115 kilometers Southwest ng Sarangani bandang 2:48 ng hapon.

334 kilometers ang lalim ng lindol.

Kapwa tectonic ang origin dalawang lindol.

Sinabi ng Phivolcs na hindi nagdulot ang magkasunod na lindol ng pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

TAGS: Davao Occidental, Inquirer News, lindol, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Sarangani, Davao Occidental, Inquirer News, lindol, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Sarangani

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.