CAAP, narekober ang Flight Data Recorder ng bumagsak na eroplano sa NAIA

By Angellic Jordan March 31, 2020 - 03:38 PM

Narekober na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Flight Data Recorder (FDR) ng bumagsak na eroplano ng Lionair sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong March 29.

Sinabi ng CAAP na narekober ang FDR ng medical evacuation plane RP-C5880, Lunes ng hapon (March 30).

Ang FDR ay isang device na ginagamit para ma-record ang aircraft performance parameters.

Nauna nang nakuha ng CAAP ang Cockpit Voice Recorder (CVR) ng aircraft.

Magsasagawa na ang CAAP ng arrangements para sa analyzation ng materyales at para maproseso ang readouts ng FDR at CVR.

Ang nalalabi naman anilang parte ng aircraft ay ni-relocate sa malapit na hangar habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

TAGS: CAAP, Flight data recorder, Inquirer News, Lionair, NAIA, NAIA plane crash, CAAP, Flight data recorder, Inquirer News, Lionair, NAIA, NAIA plane crash

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.