Rocket ng North Korea, dumaan sa ibabaw ng stadium na pinagganapan ng Super Bowl
Dumaan ang pinalipad na rocket ng North Korea sa ibabaw ng stadium kung saan ginanap ang Super Bowl kahapon, isang oras matapos ang laro.
Sa monitoring ng mga international organizations, isang oras matapos ang Super bowl game, dumaan sa ibabaw ng Levi’s Stadium ang rocket ganap na alas 8:26 na gabi..
Ang laro sa Santa Clara, California, ay natapos alas 7:25 ng gabi.
Ayon sa North American Aerospace Command (NORAD) na nagbabantay sa lahat ng satellites, mayroon nang dalawang satellites ang Pyongyang sa kalawakan,
Pero ayon sa North Korea, apat na beses na silang nakapagpalipad ng satellite at ang lahat ng ito ay naging matagumpay.
Ang ‘Kwangmyongsong 4’ na inilunsad ng North Korea noong linggo, ay naitala sa catalogue ng NORAD, gayundin ang ‘Kwangmyongsong 3-2’ na inilunsad noong taong 2012.
Sa datos ng NORAD, ang dalawa ay pawang mga Earth observation satellites at may bigat na 100 kilograms (220 pounds) bawat isa.
Layon umano ng dalawang sattelites na imonitor ang panahon, i-mapa ang natural resoucces at forest distributions at maghatid ng datos na maaring makatulong sa mga magsasaka.
Sa pahayag ng North Korea State Hydro-Meteorological Administration malaking tulong umano ang bagong satellite sa North Korean weather forecasters.
Ang ginawang pagpapalipad ng long-range rocket ng Nokor ay umani ng pagkondena sa iba’t-ibang mga bansa partikular sa US at Japan gayundin sa United Nations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.