Mental health ng mga Pinoy, dapat ding alagaan – Sen. de Lima

By Jan Escosio March 31, 2020 - 03:13 PM

Hiniling ni Senator Leila de Lima sa gobyerno na pangalagaan din ang kalusugan ng pag-iisip ng publiko kasabay ng krisis dulot ng COVID-19.

Ginawa ito ni de Lima dahil maraming Filipino ang labis-labis nang nag-iisip dahil sa kumalat na nakakamatay na sakit.

Aniya, hindi lang labis na pag-aalala ang nararanasan ng maraming Filipino kundi matinding takot at pangamba na rin, bukod pa sa pagdadalamhati.

Sinabi ni de Lima na ang mental and psychological health ng mga Filipino kapag hindi napagtuunan ng pansin ay maaring magsilbi pang lason na mas delikado.

Binanggit nito ang napaulat sa Pampanga kung saan isang lalaki ang nagtangkang magpakamatay dahil wala nang mapakain sa kanyang pamilya dahil sa nawalan ito ng trabaho simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine.

Ipinunto rin ni de Lima ang pagpapakamatay ng isang health worker sa Italy matapos mahawa ng COVID-19 at natakot na mahawaan niya ang pamilya.

Sa Germany, nagpakamatay ang kanilang finance minister dahil sa sobrang pag-aalala sa mangyayari sa ekonomiya ng kanilang bansa dahil sa COVID-19.

Diin ng senadora, dapat ngayon ay gumawa na rin hakbang ang gobyerno para mapangalagaan ang pag-iisip ng mga labis na apektado ng kasalukuyang krisis.

TAGS: COVID-19, Inquirer News, mental and psychological health, Sen Leila De Lima, COVID-19, Inquirer News, mental and psychological health, Sen Leila De Lima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.