Overpriced PPE sets ng DOH, kinuwestiyon ni Sen. Poe

By Jan Escosio March 31, 2020 - 03:13 PM

Ipinagtataka ni Senator Grace Poe ang pagbili ng Department of Health o DOH ng Personal Protective Equipment (PPE) set sa halagang P1,800 gayung makakabili nito ng P400 hanggang P1,000.

Ayon kay Poe, parehas lang ang kalidad at kung ang mas murang PPE sets ang binili ng DOH, maaring nakatipid pa ng hanggang P800 milyon.

Sabi ng senadora na sa sitwasyon ngayon, kailangan talaga ang mabilisang pagkilos ngunit hindi dapat din kalimutan ang makatuwiran na paggamit ng pera.

“Ang bawat piso na matitipid natin sa ganitong panahon ay maaari pa nating magamit sa iba pang mga programa ng gobyerno para makapagbigay ayuda sa ating mga kababayan na higit ring nangangailangan ng tulong tulad ng financial aid at pagkain pang araw-araw,” sabi ni Poe.

Inihirit din nito sa DOH na alisin na ang ‘red tape’ sa pamamahagi ng mga donasyong PPE at iba pang kagamitang pang-medikal sa mga ospital para magamot ang mga pasyente ng COVID-19.

TAGS: COVID-19, doh, Inquirer News, Overpriced PPE sets, PPE sets, sen grace poe, COVID-19, doh, Inquirer News, Overpriced PPE sets, PPE sets, sen grace poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.