Office of the Provincial Prosecutor sa Laguna sarado dahil sa COVID-19 case
Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na isinara na noon pang March 15, 2020 ang Office of the Provincial Prosecutor ng Laguna dahil sa positibong kaso ng COVID-19.
Ayon kay Justice Usec. Markk Perete, mahigit dalawang linggo nang sarado ang Laguna Provincial Prosecutors Office dahil isa sa mga prosecutor dito ang nagpositibo sa COVID-19.
Pero nilinaw ni Usec. Perete na naka-recover naman na sa sakit ang nagpositibong prosecutor subalit nanatili pa rin sa quarantine.
Samantala, mananatili namang sarado ang Office of the City Prosecutor ng Paranaque hanggang sa susunod na linggo.
Isang litigant kasi ang una nang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.
Dahil dito, pansamantalang isinara ang bulong gusali kung saan matatagpuan ang Justice complex.
Sa kabila naman ng pagsasara ng naturang mga tanggpan, mayroon pa ring skeletal force ang National Prosecution Service o NPS para sa mga basic function sa korte.
Ang mga naapektuhang kaso sa mga nagsarang tanggapan ay inilipat na muna sa kalapit na mga opisina ng NPS.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.