PNP chief Gamboa, ipinag-utos sa local police unit na magbigay ng tulong sa mga medical staff

PHOTO CREDIT: @PNPChiefGamboa/FACEBOOK

Ipinag-utos ni Philippine National Police o PNP chief General Archie Gamboa sa lahat ng local police unit na magbigay ng tulong at seguridad sa mga medical worker.

Ito ay kasunod aniya ng dalawang magkahiwalay ng insidente ng pag-atake sa Cebu at Sultan Kudarat.

“The Philippine National Police stands doubly committed to apply the full might of the law against any person who will lay hands on our health workers, thus, we shall do whatever it takes to protect them from crime, violence, and any form of oppression and discrimination,” pahayag ni Gamboa.

Binanggit din ng PNP chief ang inihanda ng gobyerno na 16 daily bus routes sa Metro Manila para mahatid ang mga health worker sa iba’t ibang ospital.

“This is a duty that we in the police service must extend to our fellow frontliners who stand shoulder-to-shoulder with the Filipino people in this global battle against the COVID-19 pandemic,” dagdag ni Gamboa.

Read more...