Watch: Pangagampanya ng tambalang Duterte-Cayetano, hindi raw tradisyunal


Hindi sa political rally o sa tradisyunal na uri ng kampanya sinumulan ng ng tambalang Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Alan Peter Cayetano ang unang bugso ng kanilang kampanya.

Ayon kay Cayetano, hindi tradisyunal ang kanilang pangangampanya dahil makikipag-dayalogo sa gabi sa mga mamamayan.

Sa umpisa ng kampanya ng dalawa na sinimulan ng hatinggabi, hanggang madaling araw silang nakipag-usap sa mga residente sa Binondo.

Sa nasabing pamamaraan, personal umano nilang malalaman ang hinaing ng taumbayan.

Para naman mapaabot ang kanilang plataporma sa mga Pinoy sa malalayong lugar partikular sa mga Overseas Filipino workers (OFWs), gagamit ng live streaming sina Duterte at Cayetano.

Inumpisahan kanina ang paggamit ng live streaming, kung saan, habang isinasagawa nina Duterte at Cayetano ang pakikipagsalu-salo sa mga taga-Binondo ay naka-live stream sila at napapanood via internet.

Read more...