Pinay na asawa ni Armenian Grandmaster Levon Aronian pumanaw sa aksidente

Pumanaw sa isang aksidente ang Pinay na si Arianne Caoili, asawa ng Armenian Grandmaster na si Levon Aronian.

Edad 33 lamang si Caoili na dalawang linggo ring nag-agaw buhay sa ospital matapos maganap ang aksidente sa Yerevan, Armenia.

Sa kaniyang Twitter kinumpirma ni Aronian ang pagpanaw ng asawa.

March 15 nang maaksidente si Caoili sakay ng kaniyang kotse.

Si Caoili na isang Filipino-Asutralian ay naglaro ng chess para sa Pilipinas at Australia sa 7 Olympiads.

Read more...