Maaga pa para matukoy kung epektibo ang ECQ – Nograles
Masyadong maaga pa para sa Inter Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease na sabihin kung naging epektibo ang ipinatupad na enhanced community quarantine para malabanan ang COVID-19.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagalagsalita ng IATF, nakabase kasi sa Department of Health (DOH) ang sukatan kung naagapan ba ang paglaganap ng COVID-19.
Sinabi pa ni Nograles na bumuo na ng technical working group ang IATF kung saan ang DOH ang tumatayong chairman.
Ang TWG na ang magtatakda ng parameters sa pagtukoy kung naging maganda ba ang hakbang na ginagawa ng pamahalaan.
“Ngayon, masyado pang maaga. Anyway, the DOH will be setting the parameters,” pahayag ni Nograles.
Nasa ikalawang linggo na ngayon ang enhanced community quarantine sa Luzon at matatapos sa April 12.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.