IATF inirekomenda kay Pangulong Duterte na mag-angkat ng 300,000 metriko toneladang bigas ang bansa

Inirekomenda ng Inter Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease kay Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit ng Department of Agriculture (DA) na mag angkat ng 300,000 metrikong toneldang bigas.

Ito ay para masiguro na sapat ang suplay ng bigas habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon dahil sa COVID-19.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng IATF, ang Philippine International Trading Corporation (PITC) ang mag-aangkat ng bigas sa pamamagitan ng government to government na proseso.

Ayon kay Nograles, dapat hayaan ang tuloy-tuloy na daloy ng mga kargamento at pagpasok ng mga manggagawa sa sektor ng agrikultura at food production.

Inatasan naman ng IATF ang local government units na siguraduhin na matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan tulad ng transportasyon at pangunahing pangangailangan, matukoy ang mga tauhan nila na pwedeng makipagtulungan sa gobyerno upang ma-trace, mai-assess, at ma-monitor ang mga persons under investigation at persons under kinitoring dahil sa COVID-19 at sa pag-isyu ng Certificate of Completion ng 14-Day Quarantine sa pamamagitan ng kanilang mga Local Health Units (LHUs); at pag disinfect sa kani-kanilang lugar.

 

 

Read more...