Global death toll sa COVID-19 umakyat na sa mahigit 37,000
Nakapagtala na ng 37,815 na bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang mga bansa at teritoryo sa mundo dahil sa sakit na COVID-19.
Sa pinakahuling datos, Martes (March 31) ng umaga ang Italy ang mayroon pa ring pinakamaraming bilang ng nasawi na umabot na sa 11,591.
Sumusunod ang isa pang bansa sa Europa na Spain na mayroong 7,716 na death toll.
Narito naman ang iba pang mga bansa na nakapagtala ng mataas na bilang ng nasawi dahil sa COVID-19:
China – 3,305
USA – 3,165
France – 3,024
Iran – 2,757
UK – 1,408
Netherlands – 864
Germany – 645
Belgium – 513
Switzerland -359
Turkey – 168
Brazil – 165
South Korea – 162
Sweden – 146
Portugal – 140
Indonesia – 122
Austria – 108
Canada – 92
Philippines – 78
Denmark – 77
Romania – 65
Ecuador – 62
Japan – 56
Ireland – 54
Ang Estados Unidos naman ang mayroong pinakamaraming kaso na umabot na sa 164,248.
Sumusunod ang Italy (101,739 cases) Spain (87,956 cases) at China (81,518 cases).
Sa kabuuan ay nakapagtala na ng mahigit 785,000 cases ng COVID-19 sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Sa nasabing 165,607 na ang naka-recover habang mahigit 582,000 pa ang aktibong kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.