Pagbawi o pagpapalawig pa sa ECQ pinaaaral sa TWG ng IATF

By Dona Dominguez-Cargullo March 31, 2020 - 10:14 AM

Inatasan na ang technical working group ng Inter-Agency Agency Task Force (IATF) for the management of emerging infectious diseases na aralin kung babawiin na o hindi pa ang umiiral na enhanced community quarantine.

Ayon kay IATF Spokesperson Sec. Karlo Nograles, partikular na iniutos sa TWG na isapinal ang guidelines para matukoy kung ang umiiral na ECQ ay tatapusin sa itinakdang petsa na April 15 o kung kailangan ba itong palawigin pa at sakupin ang iba pang lugar na nasa labas ng Luzon.

Sa ngayon, ayon kay Nograles, peke at hindi totoo ang mga kumakalat na balita na palalawigin pa ng 60 araw ang pag-iral ng ECQ.

Hindi aniya magiging madali na desisyunan ito at kailangan ng siyensya at masusing pag-aaral bago mapagpasyahan.

“Hindi po totoo ang kumakalat na balita na i-e-extend ang enhanced community quarantine nang 60 days. In this case, science is in charge. Sana malinaw po ito sa lahat,” ayon kay Nograles.

 

 

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, Inter-Agency Agency Task Force (IATF) for the management of emerging infectious diseases, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, Inter-Agency Agency Task Force (IATF) for the management of emerging infectious diseases, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.