Unang report ni Pangulong Duterte para sa pagpapatupad ng Bayanihan To Heal As One Act natanggap na ni Sen. Tito Sotto

By Dona Dominguez-Cargullo March 31, 2020 - 09:37 AM

Natanggap na ni Senate President Tito Sotto III ang report ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa unang linggo ng pagpapatupad ng Bayanihan To Heal As One Act.

Ayon kay Sotto, alas 12:40 ng madaling araw ng Martes, March 31 nang matanggap niya ang una sa lingguhang report ng pangulo.

Hindi pa natatapos basahin ng buo ni Sotto ang report.

Bibigyan din ng kopya nitoa ang Senate oversight committee members.

Una kaniyang speech sinabi ng pangulo na inatasan niya si Executive Secretary Salvador Medialdea na ilatag ang responsibilidad ng bawat ahensya ng gobyerno sa pagpapatupad ng kapapasa lamang na Bayanihan to Heal as One Act.

Sa pamamagitan nito sinabi ng pangulo na magiging tuluy-tuloy ang pagresponde ng pamahalaan sa pandemic ng COVID-19.

Pinatutukoy ng pangulo ang partikular na responsibilidad ng bawat ahensya ng gobyerno sa pagpapatupad ng naturang batas.

Lahat ng detalye at aksyon ng mga ahensya ng gobyerno ayon sa pangulo ay isasama sa kaniyang lingguhang report na isusumite sa kongreso.

TAGS: Bayanihan to Heal as One Act, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, president duterte, public health emergency, Radyo Inquirer, Senate oversight committee members, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Vicente Sotto III, Bayanihan to Heal as One Act, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, president duterte, public health emergency, Radyo Inquirer, Senate oversight committee members, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.