Ayon kay SMC president at COO Ramon S. Ang, mahalagang makabili sa lalong madaling panahon ng PPEs para magamit ng medical frontliners.
“It’s very crucial that we get more PPE – protective masks, gloves, surgical gowns, among others – out there as fast as we can. We are hoping to fill the gap and continue supporting our government in whatever way we can. Our health care workers and government responders are risking their own lives to save ours but they are running out of equipment to protect themselves,” ayon kay Ang.
Kasabay nito hinikayat ni Ang ang mga local manufacturer na magdagdag sa kanilang mga kagamitan para mas mapabilis ang produksyon nila ng PPE.
Sa suppliers sa ibang bansa bibili ng PPE ang SMC.
“We are leveraging our network of suppliers to assist government in addressing this shortage. But this may not be enough. That’s why we are also calling on local suppliers, even the small ones, to come forward. We will help purchase your products and get it out in the market where it’s most needed,” dagdag ni Ang.
Samantala, umabot na sa 100,000 liters ng ethyl alcohol ang nai-donate ng SMC sa mga frontliner ng national at local government gayundin sa mga public at private hospitals sa Luzon.
Umabot naman na sa P100 million ang halaga ng food donations ng SMC.
Ang mga pagkain ay ibinigay sa hardest hit areas sa NCR, Cavite, Bulacan, Batangas, Laguna, Pampanga, Bataan, Zambales, Quezon, Pangasinan, Marinduque at Sorsogon.