Dalawa pang barangay sa Quezon City isinailalim sa Extreme Enhanced Community Quarantine

Nadagdagan ang mga barangay sa Quezon City na sakop ng Extreme Enhanced Community Quarantine.

Sa abiso ng Quezon City Local Government, sakop na ng EECQ ang mga Barangay Matandang Balara at Brgy. Teachers Village West.

Sa kabuuan, 18 barangay na sa lungsod ang nasa EECQ.

Una nang isinailalim sa EECQ ang sumusunod:

B.L. Crame
Bahay Toro
Batasan Hills
Central
Culiat
E. Rodriguez
Kalusugan
Maharlika
Palisahan
Pasong Tamo
R. Magsaysay
San Isidro Labrador
San Roque
South Triangle
Tatalon
Tandang Sora

Ayon sa QC LGU, ang Brgy. Central ay walang kaso ng COVID-19 pero nakasailalim ito sa EECQ dahil mayroong ospital sa lugar.

Read more...