Mahigit 900 nasawi magdamag sa Spain dahil sa COVID-19; Italy nakapagtala ng mahigit 800 pang nasawi

By Dona Dominguez-Cargullo March 31, 2020 - 06:43 AM

Sa mga bansa sa Europa na apektado ng COVID-19 ang Italy at Spain ang nakapagtatala ng malaking bilang ng mga nasasawi sa araw-araw.

Sa nakalipas na magdamag umabot sa 913 ang naitalang nasawi sa Spain.

Dahil dito umakyat na sa 7,716 ang bilang ng mga nasawi sa Spain dahil sa sakit.

Ang Italy naman ay nakapagtala ng 812 na nasawi sa COVID-19 sa magdamag.

Mayroon nang 11,591 na nasawi sa Italy dahil sa sakit at ito ang may pinakamataas na death toll sa buong mundo.

Narito naman ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa ilang mga bansa sa Europa:

Italy – 101,739
Spain – 87,956
Germany – 66,885
France – 44,550
UK – 22,141
Switzerland – 15,922
Belgium – 11,899
Netherlands – 11,750

TAGS: COVID-19, COVID-19 cases, COVID-19 deaths, europe, Health, Inquirer News, italy, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, COVID-19 cases, COVID-19 deaths, europe, Health, Inquirer News, italy, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.