Duterte sa mga namumulitika sa pamamahagi ng relief goods: Sususpindihin ko kayo
Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na ipaaaresto ang mga corrupt na opisyal at umaabuso sa tungkulin sa pamamahagi ng tulong para sa mamamayan.
Sa kaniyang pahayag sa publiko, sinabi ng pangulo na makukulong ang sinumang matutuklasan na hinahaluhan ng putlika ang distribusyon ng relief goods.
“I told them: Not now. Don’t cheat, steal, and keep food [that is intended for the public] and not distribute it to some. Because you know, people sometimes think that they own whatever they receive from the government. This is not yours. Neither is it mine,” ayon sa pangulo
Babala ng pangulo kung malalaman niyang may namumulitika pa rin sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa papatawan niya ng suspensyon ang mga ito.
Para naman sa mga ibinubulsa ang perang dapat na ipangtulong sa publiko siniguro ng pangulo na ipakukulong sila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.