Gastos ng mga kandidato, sisimulan nang bilangin ng Comelec

By Jay Dones February 09, 2016 - 04:34 AM

 

Grig Montegrande/Inquirer

Ngayong umpisa na ang campaign period, simula na rin ang pagbibilang ng Commission on Election sa ginagastos ng mga kandidato.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, magiging mahigpit na ang finance office ng Comelec sa pangunguna ni Commissioner Christian Robert Lim sa pagbabantay sa mga campaign expenditures ng bawat isang tumatakbo sa national elective position simula ngayong araw.

Bukod dito, itinalaga rin ng Comelec ang Anti-Money Laundering Council o AMLAC, Commission on Audit at Bureau of Internal Revenue upang magbantay sa mga campaign expenses ng mga kandidato.

Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 9981, lahat ng mga kandidato sa Pangulo, pangalawang Pangulo, at mga senador ay papayagang bumili ng 120 minuto ng ad placement sa bawat istasyon ng telebisyon.

Samantala, 180 minuto naman ang papayagan sa mga himpilan ng radyo.

Ang mga campaign posters naman ay maari lamang ipaskil sa mga itinaglagang common poster area.

Sakaling lumabag ang isang kandidato, maari itong makulong ng hanggang anim na taon, at madisqualify na tumakbo sa mga susunod na eleksyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.