May 9 elections, magiging maganda ang labanan

By Jay Dones February 09, 2016 - 04:32 AM

 

Kuha ni Richard Reyes/Inquirer

Ang nalalapit na May 9 elections ang posibleng ituring na pinakamagandang labanan at pinakamagastos na eleksyon sa mga nagnanais na maging pangulo ng Pilipinas, ayon sa ilang mga eksperto.

Ayon sa ilang mga election experts at pulitiko na nakapanayam ng Inquirer, ang nalalapit na halalan ang maitururing na ‘make or break’ election para kina Sen. Grace Poe, Vice President Jejomar Binay, dating DILG Secretary Mar Roxas, Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Paliwanag ni Edmund Tayao, ng UST Department of Political Science, posibleng ito na ang huling eleksyon para kina Binay na nasa 73-anyos, Duterte na edad 70 at Santiago na 70-anyos na rin.

Sakaling hindi naman manalo ngayong eleksyon, tiyak na magiging matindi na ang epekto nito sa ‘morale’ ni Roxas dahil natalo na ito kay Binay noong 2016 elections sa pagka-Bise Presidente.

Ayon naman kay Akbayan Rep. Walden Bello, ang pagkatalo ni Roxas sa halalan ay mangangahulugan ng sunud-sunod na kaso laban sa Liberal Party at kay Pangulong Aquino dahil sa isyu ng Disbursement Acceleration Program o DAP at Mamasapano incident.

Para naman kay VP Binay, sigurado aniyang itutuloy ang mga kasong may kinalaman sa maanomalya umanong Makati City Hall Building 2 project sakaling matalo ito sa eleksyon.

May posibilidad na makulong pa ito dahil sa naturang alegasyon ng korupsyon noong ito ay alkalde pa lamang ng Makati City.

Ayon naman kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, inaasahan ding magiging matindi ang ilalabas na salapi ng mga kandidato ngayon dahil sa desisyon ng Comelec sa usapin ng dagdag na airtime limits sa paglalabas ng mga campaign advertisement.

Isa pa sa mga sisilipin sa nalalapit na eleksyon ay ang magiging resulta ng halalan sa pagka-Bise presidente.

Si Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na anak ng napatalsik na si dating Pangulong Ferdinand Marcos ay tumatakbo bilang pangalawang Pangulo.

Sakaling manalo, maghuhudyat aniya ito ng unti-unting pagbabalik sa puwesto ng mga Marcos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.