Easterlies, umiiral sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA
Patuloy na nakakaapekto ang Easterlies o hangin mula sa Pacific Ocean sa malaking bahagi ng bansa.
Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Sam Duran na makakaapekto ang Easterlies sa Silangang bahagi ng bansa.
Wala naman aniyang binabantayang sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa susunod na 24 oras, asahan aniyang makararanas ng magandang panahon sa Luzon maliban lamang sa isolated rainshowers pagdating ng hapon.
Maalinsangang panahon naman ang iiral sa Visayas na may pulo-pulong pag-ulan.
Ani Duran, magpapatuloy din ang maayos na panahon sa Mindanao na may isolated light rains at thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.