Sa huling tala ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Lunes ng hapon (March 30), nasa 50 na ang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Naitala rin ang 143 persons under investigation (PUIs) kung saan 23 ang cleared.
380 naman ang persons under monitoring (PUMs) at 98 ang cleared.
Samantala, lima naman ang nasawi sa lungsod bunsod ng virus habang pito ang PUI.
15 naman ang na-discharge o nakalabas na ng ospital.
READ NEXT
China, magpapadala ng medical expert team sa Pilipinas para tumulong sa paglaban sa COVID-19
MOST READ
LATEST STORIES