Bilang ng COVID-19 cases sa Mandaluyong City, nasa 50 na
By Angellic Jordan March 30, 2020 - 07:19 PM
Nadagdagan pa ang bilang ng COVID-19 cases sa Mandaluyong City.
Sa huling tala ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Lunes ng hapon (March 30), nasa 50 na ang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Naitala rin ang 143 persons under investigation (PUIs) kung saan 23 ang cleared.
380 naman ang persons under monitoring (PUMs) at 98 ang cleared.
Samantala, lima naman ang nasawi sa lungsod bunsod ng virus habang pito ang PUI.
15 naman ang na-discharge o nakalabas na ng ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.