China, magpapadala ng medical expert team sa Pilipinas para tumulong sa paglaban sa COVID-19
Magpapadala ang gobyerno ng China ng medical expert team sa Pilipinas.
Ayon sa Chinese Embassy sa Maynila, layon nitong tumulong sa paglaban ng Pilipinas sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa pamamagitan ng pagbibigay ng technical advice.
“The main task of the medical expert team is to help the Philippines fight against COVID-19, by providing technical advice on epidemic prevention and control as well as sharing medical treatment experience,” pahayag ng embahada.
Sinabi pa nito na nagkausap sina Ambassador Huang Xilian at Health Secretary Francisco Duque III sa pamamagitan ng phone call hinggil sa usapin.
Binati ni Huang ang naging aktibong pagtugon ni Duque at DOH para paghandaan ang global pandemic.
Tiniyak din ni Huang na patuloy na makikipagtulungan ang Chinese Embassy.
Sinabi ng embahada na nagparating din ng pasasalamat si Duque sa suporta ng China sa Pilipinas para maiwasan ang paglaganap ng virus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.