BREAKING: Bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, umabot na sa 1,546

By Angellic Jordan March 30, 2020 - 04:24 PM

Lumobo pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa press conference, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 128 ang nadagdag na kaso ng sakit sa bansa sa nakalipas na 24 oras.

Dahil dito, pumalo na sa 1,546 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Maliban dito, pito pang pasyente ang nasawi dahilan para umakyat sa 78 ang death toll ng COVID-19 sa Pilipinas

Ani Vergeire, nanatili naman sa 42 ang bilang ng mga gumaling sa sakit sa bansa.

TAGS: COVID-19 in the Philippines, COVID-19 update, doh, Inquirer News, Usec. Maria Rosario Vergeire, COVID-19 in the Philippines, COVID-19 update, doh, Inquirer News, Usec. Maria Rosario Vergeire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.